Monday, November 9, 2009

Allegory of the ice cream

Noong bata ako, tuwing hapon ay hinihintay ko ang Mamang Sorbetero na dumaan sa tapat ng bahay namin. Marinig ko pa lang ang tunog ng bell, tumatakbo na ako sa kalye. Gustong gusto kong makatikim ng ice cream. Pero malalaman ko na lang na wala pala akong pera. Wala akong magawa kung hindi umiyak habang pinapanood na papalayo ang ice cream.

Lumipas ang mga panahon, tumigil na ako sa pag-iyak. Hindi ko na rin nakitang muli ang Mamang Sorbetero. Napaisip na lang ako. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit tumigil na ako sa pag-iyak? Dahil ba tanggap ko nang hindi na darating ang ice cream? O dahil kahit dumating pa ito, alam kong hindi rin naman ito mapapa sa akin?

Life is a glass half full


Balang araw, mauunawaan mo rin na sa buhay, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Kadalasan, kailangan mo munang gustuhin ang mga bagay na meron ka. Dahil wala nang mas sasakit pa na malalaman mo lang ang tunay na halaga ng isang bagay dahil wala na ito sa iyo.

Thursday, October 1, 2009

EXCLUSIVE: Endemol’s Anushka Ban talks about the final screening for ‘Pinoy Big Brother Double Up’



Pinoy Big Brother is in the final stages of selecting housemates for the upcoming Double Up season set to begin this October 4. Aside from Business Unit Heads Laurenti Dyogi and Cathy Perez, Anushka Ban, creative consultant from Endemol (the company that owns the Big Brother franchise), arrived in the Philippines to take part in the final interview of the housemates-to-be. Ban exclusively spoke to ABS-CBN.com to give viewers a hint about PBB Double Up. “You have to watch from the kickoff until the end. Every night, every week will be very interesting. Everything will be doubled. There will be very interesting housemates.” FULL STORY

Monday, September 14, 2009

Hitler finds out that DLSU didn't make it in the FINAL FOUR

I had a great laugh watching this video. Hilarious subtitles. I'm happy FEU made it to the Final Four this year.

Love knows no fear


Ipakita mo kung nalulungkot ka, nagseselos ka, galit ka... in love ka, sa taong dapat mong iparamdam o ipakita. Huwag kang matakot. Huwag kang matakot masaktan. Dahil kapag nasaktan ka, doon mo makikita ang tunay na saya. Bayaan mong maramdaman mo ang lahat ng iyan.

--- from the movie Pangako, Ikaw Lang

That's why you have to stick with the one you chose


Kahit gaano mo siya kamahal, kahit gaano ka committed sa partner mo, siguradong may darating na mas gwapo, mas charming, mas simpatiko, at mas exciting. Meaning kahit girlfriend mo o asawa mo na, may darating pa ring mas higit pa sa napili mo. That's why you have to stick with the one you chose. Kung si Kristel na ang napili mo, dapat siya na. Otherwise, tatanda kang binata. At walang katapusan 'yang ginagawa mong pagpili. Marami kang masasaktan along the way.

--- from the movie Pangako, Ikaw Lang

Ang babaeng minamahal ay parang tsinelas

Tandaan mo, Ryan. Ang babaeng minamahal ay parang tsinelas. Naaakit tayo ng mga bagong sapatos, dahil sa balat o sa bagong style. Pero kahit na anong ganda ng sapatos na 'yan, pag-uwi natin sa bahay sabik na sabik tayong mag tsinelas.

--- from the movie Ikaw Lamang Hanggang Ngayon