
Lumipas ang mga panahon, tumigil na ako sa pag-iyak. Hindi ko na rin nakitang muli ang Mamang Sorbetero. Napaisip na lang ako. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit tumigil na ako sa pag-iyak? Dahil ba tanggap ko nang hindi na darating ang ice cream? O dahil kahit dumating pa ito, alam kong hindi rin naman ito mapapa sa akin?